11 TEAMS MAGBABAKBAKAN SA SEASON 11 NG ISAA

Ruel Dela Rosa

MAKASAYSAYAN para sa Management Committee (ManCom) ng Inter-Scholastic Athletic Association (ISAA) ang pagbubukas ng pinakabagong season ng pinakamalaking collegiate league sa bansa sa labas ng premyadong UAAP at NCAA  sa September 19 sa MOA Arena sa Pasay City.

“Elevate. This year’s team is about the league’s continuing effort to uplift the spirits and instil discipline among our students. Through the years, the league is helping our athletes in their quest for sports excellence and academic success,” pahayag ni ISAA president Ruel Dela Rosa ng Manila Tytana Colleges  sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Kasama ni Dela Rosa na magbigay ng mensahe at magiging kaganapan sa opening ceremony sa Huwebes sina ManCom members Andres Cristobal (Vice President),  Melanie Florentino ng PATTS (Treasurer), Benjamin Hernandez, Jr. at Jose Lorenzo Durian (PRO).

“Marami pong aktibidad sa opening ceremony. Basketball action starts in the morning before the opening ce­remony at noon. Ms. ISAA 2019 will also be crowned,” pahayag ni Florentino.

Sinabi naman ni Cristobal na homegrown athletes lamang ang pinayagang maglaro sa ISAA, hindi lamang sa basketball kundi sa lahat ng events, kabilang na ang volleyball, swimming, table tennis, badminton, chess, bowling at futsal.

“We’re focusing on homegrown talents. Foreign players might add excitement particularly in basketball, but we opted not to tap them to give local athletes an opportunity to excel and became successful in life after college years,” ani Cristobal.

Bago ang opening ceremony, magtutuos sa unang laro sa alas-8 ng umaga ang La Consolacion College-Manila at Immaculada Concepcion College of North Caloocan, na susundan ng salpukan ng Trinity at ICCT College sa alas-9:30. Maghaharap naman ang LCCM at Manila Adventist College junior team sa alas-12:30 ng tanghali at magkakasubukan ang Tytana at AirLink International Aviation College sa alas-2 ng hapon.

Magsasagupa naman ang PATTS at Treston sa alas-3:30 ng hapon, kasunod ang duelo sa pagitan ng FEATI at ng Philippine Women’s University sa alas-5 ng hapon.

Ang ISAA ay itinataguyod ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) at Philippine Collegiate Champions League.



Saludo kami kay coach Yeng Guiao sa pagbibitiw niya bilang head coach ng Gilas Pilipinas. Sa totoo lang ay hindi nakakahiya ang ginawa niyang pagbaba sa puwesto. Sino naman kaya ang puwedeng pumalit kay coach Guiao? Tsika namin, malakas ang bulung-bulungan na si coach Ryan Gregorip, dating  head coach ng Purefood na ngayon ay dala-dala ang pangalan ng Magnolia Hotshot, ang hahalili kay Guiao at makakasama nito si coach Tabb Baldwin. Puwede rin umanog isama si Jimmy Alapag. Well, good luck sa kanila!

Comments are closed.