BULACAN – LABING-ISANG drug pusher at addict kabilang ang tatlong babae ang nadakip ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bocaue Police sa tatlong magkakasunod na buy bust at pagsalakay sa drug den sa bayan ng Bocaue kamakalawa ng gabi.
Base sa report ni Lt. Col. Rizalino Andaya, Bocaue police chief, kay Col. Chito Bersaluna, director ng Bulacan Police, kabilang sa mga nadakip ang tatlong babaeng sangkot sa droga at nakilalang sina Rose Ann Franco, 28-anyos, kanyang kapatid na si Reachelle, 24-anyos at pinsang si Patricia Gonzales.
Nagsagawa muna ng buy bust operation ang DEU ng Bocaue police sa Brgy. Sulukan at Brgy. Turo dakong alas-6:00 ng gabi kung saan nasakote ang dalawang drug pusher at ininguso nila ang drug den sa Brgy. Lolomboy na huling sinalakay ng awtoridad at dito nasakote ang walong tulak at drug addict sa pot session kabilang ang magkapatid na babae at kanilang pinsan.
Napag-alamang nagrereklamo na ang mga kapit-bahay ng mga naarestong sangkot sa droga sa nasabing barangay kungsaan nasakote ang tatlong babaeng suspek dahil labas-pasok umano ang tao sa tinitirhan ng mga ito at nakumpirmang dito ginagawa ang bilihan ng droga sabay batak at ginawa nang drug den.
Samantala, batay sa report ni Lt. Col.Gerardo Andaya,Calumpit police chief,isa ring drug pusher ang nakorner ng DEU-Calumpit sa Barangay Poblacion at nakilalang si Christian Maglaque at umabot din sa 25 pakete ng shabu ang narekober ng pulisya bukod pa sa drug paraphernalia at marked money sa anti-drug operation sa bayan ng Bocaue at Calumpit. MARIVIC RAGUDOS