11 TULAK NADALE, 111 PA DAKIP SA WEEK-LONG DRUG WAR

arestado

BULACAN – LABING-ISANG drug peddlers na pawang nasa listahan ng awtoridad ang napatay sa operasyon habang 111 na sangkot din sa droga ang nasakote ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bulacan-PNP sa week-long  anti-crime drive kasama na ang drug war na nagsimula ng hatinggabi noong Pebrero 3 hanggang Pebrero 9 sa lalawigang ito.

Base sa report na isinumite ni P/Lt.Col. Lawrence B. Cajipe, Acting Provincial Director ng Bulacan-PNP kay P/Brig.Gen. Rhodel Sermonia, Regional Director ng Police Regional Office 3(PRO3), napatay ang mga drug pusher sa Lungsod ng San Jose del Monte at mga bayan ng San Rafael, Plaridel, San Ildefonso, Norzagaray at Sta. Maria at narekober dito ang 7 caliber, 38 revolver, 3 improvised shotgun at isang pen gun at mga bala.

Nakumpirmang 71 anti-drug operation ang isinagawa ng DEU ng Bulacan-PNP  na nagresulta sa pagkakadakip sa 111 drug pusher at umabot sa 336 pakete ng shabu at 20 pakete ng damo at assorted drug paraphernalias at buy bust money ang narekober ng pulisya sa serye ng drug war sa tatlong siyudad at 20 bayan sa Bulacan.

Bukod pa rito, ang nadakip na 101 most wanted person (MWP) at 35 illegal gambler sa pinatinding kampanya ng Bulacan-PNP sa kriminalidad at illegal gambling ay bunga ng week-long Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) bunga ng direktiba ni PNP Chief, Gen. Archie Gamboa. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.