NASA 2,878 na vote counting machines ( VCM) ang nakakalat sa lahat ng polling precint sa lalawigan ng Bulacan.
Nabatid na 11 units ng VCM ang nagkaaberya sa kasagsagan ng halalan.
Kabilang sa mga eskuwelahan na nagkaroon ng aberya sa VCM sa Teodoso Elementary School Brgy.Donacion, Angat, Bulacan.
Habang tatlong units ng VCM sa Kakawate Elementary School na nagkaroon ng Paper Jam at isa sa Bagong Buhay I Elementary School.
Paper Jam din ang naging problema na agad naman na napalitan sa siyudad ng San Jose del monte.
Tig-iisang VCM sa Bintog Elementary School ang ayaw mag-print ng receipt sa bayan ng Plaridel , Pulilan Central School at sa Brgy. Poblacion, Pulilan ay umusok ang VCM na agad rin naman napalitan.
Kasunod nito, 2 VCM rin ang nagkaaberya sa Sta. Maria Elementary School, nag -over heating at Paper Jam na mabilis na napalitan.
Habang sa Bocaue, nagkaproblema rin ang isang VCM sa Brgy. Batia Elementary School at isang VCM naman sa Binuangan Elementary School sa Isla ng Obando.
Sa kabuuan 8 unit ng VCM ang napalitan habang 3 ang kasalukuyang naka-pending ang replacement.
THONY ARCENAL