PUMALO na sa 110.3 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, nangunguna pa ring bansa ang Estados Unidos na mayroong 28,381,220 na kaso.
Sinundan ito ng India na mayroong 10,937,320 na nagpositibo sa nakahahawang sakit.
Samantala, umakyat naman sa kabuuang 2,429,811 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa dahil sa COVID-19.
Samantala, umakyat na sa 553,424 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,184 panibagong COVID-19 cases araw ng Miyerkuoes, Pebrero 17.
Nasa 29,814 naman ang active cases.
Samantala, 271 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t pumalo na sa 512,033 ang total recoveries
Habang 53 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 11,577 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. DWIZ882
Comments are closed.