110 HYBRID BUSES ISASABAK

HYBRID BUS

UMAABOT sa 110 hybrid buses na may palikuran ang isasabak bilang transportasyon na may rutang mula Cebu City patungo sa iba pang lungsod at bayan at karatig-lalawigan.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board-7 Regional Director Eduardo Montalto, binigyan na ng provisional authority na mag-operate ang 110 hybrid buses para mapagsilbihan ang mamamayan sa Cebu.

Sinabi ni Montalto na nagsimula nang mag-operate ang anim na hybrid buses sa Cebu City kung saan sa susunod na tatlong buwan ay may 20 bus ang mag-o-operate hanggang sa makumpleto ang 110 hyrbrid buses sa loob ng siyam na buwan

“Based on a study conducted by the Department of Transportation, there is a need for more buses in Cebu to cater to the demand or influx of passengers,” pahayag pa ni Montalto.

Kabilang sa mga ruta ng 20 bus ay mula sa Cebu South Bus Terminal sa Cebu City patungong Lapu-lapu City

Sa pahayag naman ni CSBT operations manager Jonathan Tumulak, nagsimula ang anim na bus na mula sa Cebu City Terminal at may mga designated na bus stops sa Ayala Center Cebu, IT Park, SM City Cebu, the North Bus Terminal sa Mandanue City at sa Marina Mall sa Lapu-Lapu City.

Idinagdag pa ni Montalto na ilan sa hybrid buses ay magmumula sa Cebu City patungong Danao City sa north, at sa Carcar City sa south.    MHAR BASCO

Comments are closed.