1,100 EX-REBELS NAKAKUHA NG AYUDA SA MARCOS ADMIN

UMAABOT na sa 1,100 ang bilang ng mga dating rebelde na tumanggap ng government assistance mula sa pamahalaan, sa ilalim nang pamumuno ng administrasyong Marcos.

Ayon ito mismo kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr..

Kasabay nito, tiniyak din ni Abalos na patuloy ang commitment ng pamahalaan upang matuldukan na ang insurgency sa bansa at tulungan ang mga dating rebelde na makapag-bagong buhay.

“Through the Enhanced Comprehensive Local Integration or E-CLIP, we have helped more than 1,100 FRs get back into the folds of society since July 1,” pahayag ni Abalos na binasa ni DILG Public Affairs and Communication

Service director Marlo Guanzon sa isang pulong balitaan.

Matatandaang inilunsad ng pamahalaan ang E-CLIP upang matulungan ang mga rebelde na muling makihalubilo sa komunidad, sa pamamagitan nang pagkakaloob sa kanilang ng financial at livelihood assistance. EVELYN GARCIA