110K MICRO ENTREPS NAASISTEHAN NG P3

Secretary Ramon Lopez-7

MAHIGIT sa 110,000  micro entrepreneurs  ang naasistehan sa P5.1 bilyon na inilabas sa pamamagitan ng Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) Program, na inilatag na sa  mga pro­binsiya upang magkaloob ng abot kayang pautang sa mga maliliit na ne­gosyante.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez  na ang  P3 Program  ay magpapatuloy upang makamit ang Trabaho, Negosyo at Kabuhayan Agenda ng administrasyong Duter-te.

“The P3 program was created so that even the smallest of entrepreneurs, like the sari-sari stores owners and market vendors, will have an opportunity to grow their business without the usurious 5-6 loans. I encourage all entrepreneurs in need of capital to avail of the P3 program through the DTI Ne-gosyo Centers and accredited credit delivery partners,” pahayag ni Sec. Lopez

Hanggang  Disyembre 23, 2019, ang  Small Business Corporation (SB Corp.), ang  micro financing arm ng  DTI,  ay nagka-loob ng   tulong pinansiyal  sa pamamagitan ng  P3 program sa 110,006 micro entrepre-neurs. Itinatag bilang  flagship program  ng gobyerno na ang layunin ay  maiiwas sa pangungutang ang mga maliliit na mamumuhunan  sa loan sharks, ang  P3  ay pinalawak upang maabot ang  mga  Filipino sa mga lalawigan  mula nang ito ay mabuo  noong  2017.

Naglabas din ang  SB Corporation  ng kabuuang  P5.15 bilyong halaga ng  pautang sa pamamagitan ng  partner micro finance institutes (MFIs). Sa buwan ng Hulyo,  ipina­kilala ng SB Corporation   ang 10 Credit Delivery Partners (CDPs) mula  Luzon hanggang  Min­danao upang magkaloob ng mabilis  na  P3 loans. Ang P3 Program ngayon ay mayroon ng  412 micro financing institute (MFI) partners.

P3 SA MARANAO ENTREPS

NAABOT  na rin ng P3 program  ang  mga negosyanteng  Maranao  sa pamamagitan ng  Bangon Marawi initiative na nagpalabas ng   P7.5 milyon  sa 457 Maranao borrowers.

Pinagkalooban din ang mga sundalo at mga pulis na  nasawi o nasugatan   sa Marawi siege ng kabuuang  P31 mil­yon. May 412  sundalo at mga pulis at kanilang mga pamilya ang na­kinabang dito.

Ang mga pangunahing benepisyaryo ng  P3 Program  ay  microenterprises at entrepreneurs na   ma-hirap ang access sa pag-utang,  kabilang dito ang  mga nagtitinda sa palengke, agri-businessmen,  mga miyembro ng koope­ratiba at   asosas­yon.

Maaaring makahiram ng  mula  P5,000 hanggang sa P200,000 depende sa panga­ngailangan ng puhunan sa itatayong negosyo  at kakayahang magbayad nang walang kinakaila­ngang kolateral. Ang interest rate at service fees, dapat ay hindi lalagpas ng 2.5% kada buwan.

Comments are closed.