111 BATA NABIYAYAAN SA FEEDING PROGRAM NG CAAG

BULACAN- BAGAMAN may sama ng panahon dulot ng Habagat at bagyong Egay, hindi napigil ang ika-tatlong feeding program ng Citizen Anti-crime Action Group (CAAG) Elite Warriors Inc. sa Sitio GoCrusher Brgy, Marungko, Angat sa lalawigang ito.

Ayon kay CAAG Elite Warriors President Robin Macabocsit, ito ang huling feeding program sa buwan ng Nutrisyon na naisagawa para sa mga malnourish na bata sa lugar.

Nasa 111 bata ang nabiyayaan ng masustansyang sopas at tig -iisang balot ng marshmallow.
Kanya-kanyang puwesto ang mga bata sa gilid ng isang basketball court sa naturang Sitio na nasa edad 2 hanggang 15.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng mga residente sa nabangit na sitio sa biyayang hatid ng CAAG Elite Warriors. THONY ARCENAL