111 MILYONG PINOY NASERBISYUHAN NG PHILHEALTH

PHILHEALTH

INIULAT  ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na naserbisyuhan nila ang kabuuang 111 milyong Pilipino sa buong bansa.

Ang ulat isinagawa sa ipinatawag na virtual press conference ng mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni President and CEO Atty. Dante Gierran, VP Dra. Shirley Domingo, EVP and COO Atty. Eli Dino Santos, SM Rex Paul Recoter, Dra. Mary Antonette Remonte at iba pang matataas na opisyal ng state insurer ng bansa.

Nagbigay ng update ang mga opisyal ng PhilHealth hinggil implementasyon ng Universal Health Law.
Si Atty. Gierran ang siyang nagbigay ng welcome remarks sa lahat ng dumalo, nakiisa at sumusuporta sa PhilHealth.

Inilatag naman ni Dra. Shirley Domingo, VP for Corporate Affairs Group ang main objective ng PhilHealth ay paglingkuran ang bawat isang mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaloob ng serbisyong medikal o pagpapagamot sa mga may karamdaman.

Ayon kay Dra. Domingo, “All Filipinos are guaranteed equitable access to quality and affordable health care goods and service and Protected Againts Financial Risk”.

Dagdag pa niya, ang RA 11223 o Universal Health Care Act ay nagbibigay ng legal basis para sa payment scheme.

Aniya, maraming silang “lesson learned” ngayong panahon ng pandemya at higit nilang pinagbubuti ang kanilang serbisyo sa publiko.

Hinggil naman sa pagbabayad sa mga pribadong hospital ay pinamamadali na ang PhilHealth ang kanilang claims at may mga pag-uusap nang ginagawa upang hindi na magkaroon pa ng problema sa hinaharap.

Isa sa isinusulong ngayon ng PhilHealth ay malunasan ang severe malnutrition sa mga kabataan sa bansa. EC