MAY 111 pasyente pa ang gumaling sa coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, araw ng Sabado.
Dahil dito, ang total recoveries sa COVID-19 sa Filipinas ay 4,441 na.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00 ng hapon ng Sabado, Hunyo 6, sumampa na sa 21,340 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa makaraang madagdagan ng 714 bagong kaso.
Sa nasabing bilang, 350 ang “fresh cases” habang 364 ang “late cases”.
Pito pa ang nasawi sa nasabing sakit kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 994 na.
Comments are closed.