1,124 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA

NAKAPAGTALA  ng 1,124 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Batay ito sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Mayo 9, 2022, mula sa naitalang datos simula Mayo 2 hanggang 8, 2022.

Mas mababa ito ng 20 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Abril 25 hanggang Mayo 1.

Nasa 161 naman ang daily average cases.

Samantala, may 14 na bagong severe and critical cases habang 42 ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Nasa 15.4 porsiyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 3,664 sa 23,818 non-ICU beds ang gamit.
16.8 porsiyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 474 sa 2,817 ICU beds ang gamit.

Iniulat na nasa 611 ang severe and critical admissions, o 11.9 porsiyento ng kabuuang COVID-19 admissions.