1,136 BAGONG GUMALING SA COVID-19

DOH

INIULAT ng Department of Health (DOH)  na may 1, 136 pasyente na bagong gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Dahil dito, aabot na ngayon sa 161,668 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa COVID-19 sa Filipinas.

Umakyat naman  sa 234,570 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 matapos  makapagtala pa sila ng 2,529 bagong COVID-19 infection hanggang 4PM ng Setyembre 5, 2020.

Karamihan ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR)  na umabot sa 1,171 new cases; Negros Occidental na may 197 new cases, Laguna na may 145 new cases; Cavite na may 117 new cases at Bulacan na may 70 new cases.

May 53 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.

Ayon sa DOH, sa bilang na ito 21 ay nasawi ngayong Setyembre, 18 noong Agosto, 12 noong Hulyo, isa noong Hunyo, at isa noong Abril.

Sa ngayon, umakyat na sa 3,790 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

May 31 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.