11,378 BAGONG KASO NG COVID-19

NASA 11,378 ang panibagong napaulat na kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes (Abril 12), pumalo na sa 876,225 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa, 157,451 o 18.0 porsiyento ang aktibong kaso.

97.0 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.7 porsiyento ang asymptomatic; 0.36 porsiyento ang moderate; 0.6 porsiyento ang severe habang 0.5 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 204 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 15,149 o 1.73 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 267 ang gumaling pa sa COVID-19 kaya pumalo na sa 703,625 o 80.3 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.

4 thoughts on “11,378 BAGONG KASO NG COVID-19”

  1. 675788 437069An attention-grabbing discussion is worth comment. I believe which you really should write a lot more on this matter, it wont be a taboo subject even so normally persons are not sufficient to speak on such topics. To the next. Cheers 247135

  2. 690376 192803I just could not go away your internet site before suggesting that I extremely enjoyed the usual info a person supply to your guests? Is going to be back ceaselessly so that you can inspect new posts. 960694

Comments are closed.