UMAKYAT na sa 114,114 ang total recoveries ng coronavirus disease (COVID-19) sa Filipinas matapos maitala ang 727 bagong gumaling araw ng Huwebes, Agosto 20.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH), may 4, 339 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala.
Dahil dito ay umabot na sa 178,022 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 61,025 ang aktibong kaso. 91.3 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.6 porsiyento ang asymptomatic; 0.9 porsiyento ang severe habang 1.2 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos sa 100 mula sa 109 licensed laboratories.
Nasa 88 ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 2,883 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Comments are closed.