QUEZON CITY – NAPUNO ng saya ang Expo Hall sa ikaapat na palapag ng Fishermall sa lungsod na ito noong Agosto 3 bunsod ng selebrasyon para sa ika-114 anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue, Regional Celebration kung saan halos lahat ng opisyal mula sa reve-nue district officer pababa ay kinilala at pinarangalan sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa kawanihan.
Masigabong palakpakan na inisa-isang tinawag ay binigyan ng plaque of recognition ang mga revenue district officer (RDO) na naka-goal at nag-exceed sa koleksiyon sa kanilang mga area.
Ang nasabing parangal ay pinangunahan ni BIR Revenue Region No. 7 (Quezon City) Regional Director Marina C. De Guzman na patuloy na nagbigay ng moral support at payo sa kaniyang mga tauhan na huwag huminto sa excitement sa kanilang trabaho na nagresulta ng maganda at kahanga-hangang performance.
Kabilang sa mga nabigyan ng pagkilala ang RDO 043 (Pasig City) sa pangunguna ni Revenue District Officer Rufo Ranario habang nominee bilang model employee ang tauhan nito na si Michelle dela Torre.
Kabilang naman sa individual/partners na nabigyan ng plaque of appreciation/recognition ay si BusinessMirror President Benjamin Ramos, bilang executive producer ng radio program na Mr. Taxman sa DWIZ 882 sa ilalim ng sister media company na Aliw Broadcasting Corporation, habang awardee rin sina Gerardo Flores at Cely Ortega Bueno na host ng nasabing programa sa Todong Lakas AM radio station.
Kinilala rin bilang top performers ang bawat opisyal ng RDO 28, 38, 39, 40, 41, 42, 43, 45, 46 at ang Collection Division na bukod sa nakamit ang kanilang target collection ay nalampasan pa ito.
Naging kahanga-hanga rin ang laki ng exceeds sa mga target collection na good news kay Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa sambayanang Filipino na nagpapatunay na epektibo ang reporma sa pagbubuwis o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na ipinatupad ngayong taon.
Patunay ito na matatag ang sistema ng pagbubuwis sa Filipinas.
Umaasa naman si De Guzman na sa susunod na anibersaryo ay magandang balita pa rin ang maihahatid nila para sa taumbayan at pagpapalakas sa kaban ng bayan.
Ang huling pananalita o closing remarks ay narinig mula naman kay RR7 Asst. Regional Director Albino M. Galanza. EUNICE C.
Comments are closed.