NAITALA sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) na may 115 pasyente ang nakarekober sa coronavirus disease (COVID-19), araw ng Martes, Mayo 19.
Umaabot na sa ngayon sa kabuuang 2,843 ang mga pasyenteng nakarekober sa nasabing sakit.
Bumaba naman sa anim ang nadagdag na bilang ng nasawi na umabot na sa 837.
Sa kabuuan ay nasa halos 13,000 kaso na ang naitatalang COVID-19 sa bansa.
Sa Case Bulletin No. 66, ng DOH, nadagdagan pa ng 224 ang mga kaso ng sakit sa sa nakalipas na magdamag, sanhi upang umabot na ito sa kabuuang 12,942 kaso, hanggang alas-4:00 ng Mayo 19.
Pinakamalaking bilang pa rin ng naitalang kaso ay mula sa National Capital Region na nasa 174 ; 33 sa iba’t ibang rehiyon, at sa Region 7 ay nakapagtala naman ng pito.
Comments are closed.