1,151 KILO NG UNDOCS NA KARNE NASABAT

KARNE

PASAY CITY – NASABAT ng awtoridad ang mahigit na 1,151 kilo na karne na walang kaukulang dokumento gaya ng sanitary clearance sa iba’t ibang terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Biyernes.

Kinumpirma naman ni Carmelita Talusan, district collector ng Customs-NAIA na galing sa China ang mga nakumpiskang karne.

Makaraan ang documentation at pagsisiyasat, itinurn over ang mga nasabat na meat product sa Bureau of Animal Industry  para sa karampatang hakbang.

Muli namang sinabi ng awtoridad sa mga negosyante na sakaling aangkat ng kagaya ng nasabing commodity, tiyakin na may karampatang papeles upang hindi na maantala o kaya naman ay sumunod sa batas ng pag-aangkat.  AIMEE ANOC

 

Comments are closed.