IBINIDA ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Brig. Gen. Ildebrandi Usana na umabot sa 11,558 commuters ang nakinabang sa programang Libreng Sakay ng police force sa unang dalawang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus o sa Metro Manila at karatig lalawigan na Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan.
Sa pahayag naman ni PNP chief Gen. Debold Sinas, ginamit ang heavy-lift transport vehicles kabilang ang dalawang buses, limang utility trucks at dalawang coasters para sa regular round trips sa mga itinatag na pick-up at drop-off points sa loob ng NCR Plus upang makauwi sa kanilang mga tahanan pagkagaling sa mga trabaho.
Bukod sa hatid-sundo, nabiyayaan din ng face masks, bottled water, at useful information materials ang mga naisakay sa Libreng Sakay vehicles ng PNP.
“This is the PNP’s way of reaching out to citizens by providing mobility and other extended services to authorized persons (APOR) so that they could attend to their work with convenience even while the ECQ is in effect,” ayon kay Sinas.
Ang PNP Libreng Sakay vehicles ay naglakbay sa pitong regular routes mula Edsa-Crame hanggang Meycauayan at San Jose del Monte City, Bulacan sa North; Zapote to Bacoor, Cavite sa South; at Rodriguez, Antipolo City gayundin sa Taytay, Rizal sa East.
“The free rides are further complemented by 1,317 PNP mobile assets of the National Capital Region Police Office which has so far logged 2,743 sorties from March 29 to April 4,” dagdag pa ng PNP chief at tiniyak na sumunod sa health protocols gaya ng 50 percent seating capacity policy. EUNICE CELARIO
Informative article, totally what I needed.
266762 725920Some truly nice stuff on this internet site , I like it. 429214
786301 552103Fantastic post is going to be linking this on a couple of internet sites of mine maintain up the great work. 271865