NAITALA ang karagdagang 1,158 bagong kaso ng COVID-19 kahapon.
Mayroon nang 4, 407,878 na kabuuang kaso ng COVID-19.
Sa nasabing bilang 18,387 ang aktibong kaso.
Nasa 3,964,635 naman ang naitalang nakarekober habang 64, 856 ang namatay dahil sa nasabing sakit.
Sa kasalukuyan ay nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa mga lugar sa bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.