NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) ng 116 bagong Delta variant cases sa bansa kabilang dito ang 83 kaso na mula sa Metro Manila.
Batay na rin sa resulta ng pinakahuling whole genome sequencing na inilabas ng DOH, nabatid na dahil sa karagdagang 116 Delta variant cases umaabot na ngayon sa 331 ang total Delta variant cases sa bansa.
Sa mga bagong Delta cases, nabatid na 95 ang local cases, isa ang Returning Overseas Filipino (ROF), at 20 kaso ang biniberipika pa kung local o ROF cases.
Sa 95 local cases, 83 kaso ang may address sa National Capital Region, tatlo ang may address sa Calabarzon, apat ang mula sa Central Visayas, dalawa sa Davao Region, at tig-iisa mula sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, at Ilocos Region.
Anang DOH, ang lahat naman ng pasyente ng Delta variant ay nakarekober na at iba pang impormasyon ay bina-validate na ng mga regional at local health offices.
“Among the total 216 Delta variant cases reported last July 29, the DOH verified one case who was tested in two different laboratories. Both samples were sent to UP-PGC, sequenced after an anonymized selection, and detected with the Delta variant. With this, the DOH is amending the previous total Delta variant cases from 216 to 215,” anang DOH. “This brings the total Delta variant cases to 331.”
Samantala, nabatid na bukod sa mga bagong Delta (B.1.617.2) variant cases, nakapagtala rin ang DOH ng 113 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 122 Beta (B.1.351) variant cases, at 10 P.3 variant cases.
Sa karagdagang 113 Alpha variant cases na natukoy, 104 ang local cases, isa ang ROF, at walo ang kasalukuyang biniberipika pa kung local o ROF case.
Base sa case line list, dalawa sa mga ito ang namatay at 111 cases ang nakarekober na
“Apart from this, an Alpha variant case tested from one laboratory had 2 samples that were both sequenced. With this, the total Alpha variant case as of July 29 is updated from 1,856 to 1,855,” anang DOH.
Sa kabuuan ay mayroon nang 1,968 total Alpha variant cases sa bansa.
Nabatid na sa karagdagan namang 122 Beta variant cases, 104 ang local cases, apat ang ROFs, at 14 kaso ang biniberipika pa kung local o ROF.
Lahat anila ng mga kaso ay nakarekober na.
Mayroon na ngayong 2,268 total Beta variant cases sa Pilipinas.
Sa kabilang dako, sa 10 karagdagang P.3 variant cases naman ay siyam ang local cases at isa ang ROF, at lahat sila ay magaling na.
“DOH would like to reiterate that these cases detected with the variants of concern are already COVID-19 positive, hence, clinical management and response remain the same. The DOH also said that while community transmission of the Delta variant is being studied, the national government together with LGUs should act aggressively as if there is already community transmission,” anang DOH.
Dahil anila sa imposisyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) simula ngayong araw, hinihikayat ng DOH ang publiko na ipagpatuloy ang pagtalima sa minimum public health standards sa lahat ng pagkakataon upang maiwasan ang higit pang pagkalat ng COVID-19.
“Everyone is also reminded to ensure there is good ventilation whenever indoors by opening windows and doors. Moreover, the DOH reiterated to the public to avail of the free vaccination program if they are eligible, register with your local government,” anito pa. Ana Rosario Hernandez
953199 428310I besides believe therefore , perfectly composed post! . 438020
807421 593616hey, your internet web site is excellent. We do appreciate your function 61593
381266 929136Inexpensive Gucci Handbags Is typically blogengine much far better than wp for reasons unknown? Ought to be which is turning out to be popluar today. 661536
828686 433197Yours is actually a prime example of informative writing. I feel my students could learn a lot from your writing style and your content. I may possibly share this article with them. 32015
445361 492836We clean up on completion. This could sound obvious but not many a plumber in Sydney does. We wear uniforms and always treat your home or office with respect. 769856