116 PINOY NASA UKRAINE PA RIN

Sarah Lou Arriola

MAHIGIT 100 Pilipino pa ang nananatili sa Ukraine.

Ipinabatid ito ni DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola na nagsabi ring nasa halos 200 Pinoy seafarers ang stranded sa Black Sea sa gitna ng patuloy na pagsakop ng Russia sa Ukraine.

Ayon kay Arriola, 27 Pinoy, kabilang ang 21 seamen, ang nakausad na pa-Moldova at nakatawid na sa Bucharest sa Romania para makauwi na ng Pilipinas.

Nasa 15 Pinoy, aniya, ang nasa Hungary na, siyam sa Austria at apat sa Romania kaya  nasa loob pa ng Ukraine ang 116 pang Pilipino.

Sinabi ni Arriola na 19 Pinoy na ang nakauwi ng Pilipinas habang ilang Pinoy na may mga asawang Ukrainian nationals ang nasa nasabing bansa pa rin sa kabila ng krisis doon. DWIZ 882