116 riders papadyak sa Road Trials sa Clark

cyclists

MAY kabuuang 116 cyclists—98 men at 13 women—ang pipidal sa mga kalsada ng Clark Freeport and Special Economic Zone sa Pampanga ngayong weekend para sa PhilCycling National Trials for Road na tatampukan ng mga karera sa individual time trial (ITT), criterium at massed start.

Ang Day 1 sa Sabado ng trials ay lalahukan ng 13 women na kakarera sa alas-8 ng umaga sa layong 17.1 kms.

Pagkalipas ng kalahating oras, 54 men ang magpapaligsahan sa kanilang sariling ITT sa 24.6-km loop na siya ring magiging battleground para sa road races sa  Day 2 sa Linggo.

Ang criterium sa Sabado ng hapon ay lalahukan din ng parehong set ng riders na magbabakbakan sa 2.3-km perimeter ng Clark Parade Grounds.

Ang women’s race ay binubuo ng 16 laps habang ang men’s contest ay may 20 laps na may tatlo at apat na intermediate sprints, ayon sa pagkakasunod, at magkakaloob ng 5, 3, 2, 1 points—double sa final lap—sa top four riders.

“We will be witnessing competitive cycling right on Day 1 of the Trials and with the road races set for Sunday, this event is one compact competition,” wika ni Philippine Olympic Committee (POC) at PhilCycling President Rep. Abraham Bambol Tolentino.

Ang Clark races ay ikalawang trials ng PhilCycling sa panahon ng pandemya kasunod ng MTB Trials sa Danao City noong nakaraang buwan.

Ang mga karera ay idaraos sa ilallm ng bubble environment tulad ng itinakda ng Central Luzon Regional Task Force, Office of Civil Defense, Department of Health, Philippine National Police, Province of Pampanga at ng Department of Tourism.

Ang lahat ng kalahok ay kailangang sumailalim sa RT-PCR at Antigen testing at bawal ang fans sa bubble staging area sa venue. CLYDE MARIANO

One thought on “116 riders papadyak sa Road Trials sa Clark”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *