117 MILITARY ATHLETES IDE-DETAIL SA PSC

PSC chairman William Ramirez

IPINALABAS ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang listahan ng mga personnel para sa detailed service (DS) aa Philippine Sports Commission (PSC) habang naghahanda ang mga atleta at coach para sa Tokyo Olympics at 31st Southeast Asian Games.

“Nagpapasalamat kami kay Defense Secretary Delfin Lorenzana through the Office of the Chief of Special Service, AFP. Kasama namin ang POC at NSAs sa bagong detailed service na ibinigay,” wika ni PSC Chairman William Ramirez sa PSC Hour sa Radyo Pilipinas Dos.

May kabuuang 117 national athletes at coaches mula sa 22 sports ang enlisted: athletics (13), badminton (2), baseball (6), basketball (4), boxing (8), cycling (9), judo (2), kurash (1), lawn bowls (5), muay (3), obstacle course (1), rowing (6), sailing (5), sambo (1), sepak takraw (10), softball (7), swimming (6), table tennis (2), triathlon (2), weightlifting (6), wrestling (12), at para sports (6).

May 58 sa ilalim ng Philippine Air Force (PAF), 19 mula sa  Philippine Army (PA), at 40 ang nagseserbisyo sa Philippine Navy (PN).

Binigyang-diin ng sports chief ang kahalagahan ng mga miyembro ng national team na tumatalima sa kasunduan sa pagitan ng PSC, AFP, Philippine Olympic Committee (POC), at ng Philippine Paralympic Committee (PPC).

“Ipinaubaya sila sa sports through the Philippine Sports Commission. They don’t just go fly anywhere without consulting us. Dapat maintindihan ito ng atleta na kapag miyembro sila ng Armed Forces at pinirmahan ni Secretary Lorenzana at ng kanilang mga officers, ipinagkatiwala sila sa amin. Karamihan sa kanila baka hindi alam na the Philippine Sports Commission takes responsibility para ma-DS sila. Nagpapasalamat kami sa partnership na yan,” aninRamirez.

Ang PSC, POC, PPC, at AFP ay magkakaroon ng formal signing ng Memorandum of Agreement para sa “management, development, and training of identified and potential soldier-athletes” sa Mayo 20. CLYDE MARIANO

18 thoughts on “117 MILITARY ATHLETES IDE-DETAIL SA PSC”

Comments are closed.