ISINELEBRA kahapon sa Ifugao ang ika-119 anibersaryo ng Philippine Civil Service.
Kasabay nito ay nagsagawa ng fun walk ang mga kawani ng local government unit at iba pang lumahok sa nasabing okasyon.
Sa Setyembre 19 naman gaganapin ang choral competition, habang tree visitation at clean-up drive sa Mt. Atugu, Hingyon, Ifugao sa Setyembre 20 at culminating activity at family sa Setyembre 27.
Ang okasyon ay may temang “civil service at 119: upholding integrity and building a high-trust society,” alinsunod sa pagdiriwang sa Civil Service Month mula noong Setyembre 19, 1900. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.