1,190 BAGONG KASO NG COVID-19

NASA 1,190 ang panibagong napaulat na kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkoles, Nobyembre 17, pumalo na sa 2,820,494 ang confirmed cases ng nakahahawang sakit sa bansa.

23,846 o 0.8 porsiyento ang aktibong kaso.

58.1 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.2 porsiyento ang asymptomatic; 19.60 porsiyento ang moderate; 12.0 porsiyento ang severe habang 5.0 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 309 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 46,117 o 1.64 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 2,759 naman ang gumaling pa sa COVID-19 kaya pumalo na sa 2,750,531 o 97.5 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.