CAMP CRAME – IPINAALALA ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, MGen Guillermo Eleazar sa publiko na simula na ng liquor ban o pagbabawal sa inuming nakalalasing sa Linggo hanggang sa Lunes, araw ng halalan.
Ayon sa heneral, magsisimula ito alas-12 ng hatinggabi sa Linggo at hanggang magdamag ng Mayo 13.
Bukod sa pag-inom, bawal din ang magbenta ng alcohol o alak.
Samantala, inihayag din ng Commission on Elections na umabot sa 1,196 ang election hotspots kabilang ang Metro Manila, Luzon at Visayas.
Una nang sinabi ng Comelec na ang Mindanao ay idineklarang election hotspot sa kategorya na red o grave concern.