NASA halos 11,000 kabataan na nasa edad 12-17 ang nakapagparehistro na sa programang baksinasyon ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa.
Ito ang napag-alaman base sa datos ng Muntinlupa City COVID-19 Vaccination Program (MunCoVac), may kabuuang 10,760 kabataan na nasa edad 12 hanggang 17 ang nakapagparehistro na sa lungsod mula ng umpisahan ang pagsasagawa ng rehistrasyon para sa kanilang pagpapabakuna noong Setyembre 14.
Nabatid na ang mga nakapagparehistro nang mga kabataan na nasa edad 12-17 ay katumbas ng 19 porsiyento ng kabuuang populasyon ng lungsod na 55,391 base sa 2020 census ng Population and Housing data ng Planning and Development Office.
Ang Barangay Putatan ang nakapagtala ng may pinakamaraming nakapagparehistrong kabataan na mayroong 1,924 na sinundan ng Barangay Tunasan na may 1,444; Barangay Poblacion, 1,433; Barangay Alabang, 1,170; Barangay Cupang, 914; Barangay Sucat, 669; Barangay Bayanan, 587; Barangay Ayala-Alabang, 518 at barangay Buli na mayroong 182 kabataan habang sa mga hindi residente ay nay bilang na 1,919 ang mga nakapagparehistro.
Matatandaan na noong Setyembre 23, sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na ang lungsod ay handang-handa na sa pagbabakuna sa mga menor de edad.
“Kailangan nating magsimula sa Oktubre dahil kung tayo ay magbibigay ng bakuna sa mga kabataan, ang ating primary target ay 14 hanggang 20 milyon, kailangan natin na makatapos ng 20 milyong doses para sa ating sector ng kabataan sa loob ng dalawa hanggang tatlong bahagi ng pagbabakuna,”ani pa Galvez. MARIVIC FERNANDEZ
907082 940404Oh my goodness! an remarkable write-up dude. Many thanks Even so My business is experiencing trouble with ur rss . Do not know why Struggle to sign up to it. Can there be everyone finding identical rss dilemma? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 817173