11K PASAHERO PABALIK NG MAYNILA NAITALA NG PCG

BATANGAS – TINATAYANG aabot sa 11,127 ang bilang ng mga pasahero na dumating sa Batangas Port para bumalik ng Maynila, ayon sa talaan ng Philippine Coast Guard mula alas-12 ng hating gabi matapos ang Holiday Season.

Ang mga pasahero ay mga nanggaling sa Calapan Port sa Oriental Mindoro at Abra de Ilog Port sa Occidental Mindoro habang patuloy pa rin na naka-heightened alert ang lahat ng mga District at Sub Station ng PCG sa buong bansa para umalalay sa mga manlalakbay na babalik sa kani-kanilang mga trabaho.

Samantala, nakapagtala naman ng may 36,123 na mga outbound passengers habang 36,560 ang mga inbound passengers.

Umaabot naman sa 2,933 ang mga ipinakalat na tauhan ng PCG sa lahat ng port terminal sa buong bansa habang nasa 379 vessels at 558 motorbancas ang kanilang na-inspeksyon  bago pinayagan bumiyahe.

P ANTOLIN