APAT na linggo bago ang pagbabalik-eskuwela, ikinasa na ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Balik Eskuwela para masiguro ang kaligtasan ng mga estuydante, guro, school personel at maging mga magulang at guardian na maghahatid-sundo sa mga mag-aarla.
Ayon kay PNP Spokesperson, PCol. Jean Fajardo, aabot sa 11,000 na mga pulis ang ide-deploy sa mga paaralan sa buong bansa para sa pagbubukas ng klase sa Agosto 29.
Ang hakbang ay pinakasentro ng kanilang Oplan balik Eskuwela at naglabas na aniya ang PNP ng operational guidelines para sa Oplan Balik Eskwela na kinabibilangan ng pagtatatag ng Police Assistance desks malapit sa mga paaralan.
Kasama din dito ang pinaigting na police visibility sa pamamagitan ng foot at mobile patrols sa bisinidad ng mga paaralan.
Mayroon narin aniyang atas sa mga field commander na makipag-coordinate sa mga administrator ng mga paaralan.
Magsasagawa din aniya ang PNP ng information campaign para sa mga magulang at estudyante kung paano makakaiwas sa krimen.
EUNICE CELARIO