UMAAABOT sa 11,000 ang security forces na nakatakdang magbigay ng seguridad sa mga atleta at sa lahat ng kinatawan ng mga bansang lalahok sa 30th Southeast Asian Games at 6,000 sa nasabing bilang ay galing sa puwersa ng kapulisan sa Central Luzon at nauna na dito ang 1,083 pulis-Bulacan na nakadeploy sa paligid ng Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Ayon kay P/Brig. Gen. Rhodel O. Sermonia, Regional Director ng Police Regional Office 3(PRO3)at siyang Commander ng Task Group Central Luzon, ang libu-libong kapulisan ang naatasang mangalaga sa kapayapaan at seguridad ng SEA GAMES at ikinalat na sila simula ngayong araw ng martes sa ibat-ibang venue sa rehiyon.
Pinangunahan ni P/Lt.Gen.Archie Gamboa, OIC NG PNP ang send-off ceremony na ginanap kahapon ng umaga sa Challenger’s Field, Air Force City, Clark Field, Mabalacat,Pampanga at umabot sa 11,000 ang security response troop bunga ng force multipliers na nagpakita ng kahan-daan para masiguro ang seguridad ng 30th SEA GAMES sa Central Luzon mula Nobyembre 30 hanggang December 11,2019.
Target nila ang “zero incident” mula simula hanggang matapos ang SEAGAMES.
Ayon kay B/Gen.Sermonia,inatasan niya “men and women on the groun to do their work with utmost diligent and due regard for public safety.Idinagdag pa ng opisyal na he assured the public that they are very ready to ensure the safety and security of all the delegates and other spectators who will attend the summit even if they have not monitored any threat to the SEA Games.
Ipatutupad din ang “no fly’ and ‘no sail zone’ sa lugar habang ginaganap ang SEA Games. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.