11TH FRENCH OPEN TITLE NADALE NI NADAL

Rafael-Nadal

PARIS – Dinurog ni Rafael Nadal si Austrian Dominic Thiem, 6-4, 6-3, 6-2,  upang kunin ang record-extending 11th French Open title noong Linggo.

Naitala ng Spanish world No. 1 ang kanyang Roland Garros win-loss record sa 86-2 at nakopo ang kanyang 17th Grand Slam title nang ilampaso ang seventh seed, na umaasang ma­ging ikalawang Austrian na nagwagi sa Roland Garros.

Sa 11 finals sa Paris, si Nadal ay natalo lamang sa anim na sets kung saan napantayan niya ang all-time record ng pinaka-maraming singles titles na napagwagian sa parehong Grand Slam event na naitala ni Margaret Court sa Australian Open noong 1960s at 1970s.

Ang Spaniard ay nagwagi sa lahat ng kanyang 10 naunang Roland Garros finals at bagama’t si Thiem ang ­tanging player na tumalo sa kanya sa clay sa nakalipas na dalawang seasons, ang Austrian ay hindi nakaporma sa claycourt master.

Tinawag ni Nadal ang trainer upang ipamasahe ang kanyang braso ng dalawang beses sa final set subalit maging ang problemang ito ay hindi nakatulong kay Thiem para mapalakas ang kanyang tsansang maduplika ang tagumpay ng kanyang kapwa Austrian na si Thomas Muster noong 1995.

Mainit ang simula ni Nadal sa pagbulsa ng unang anim na puntos ng laro kung saan binali niya si Thiem sa second game upang buksan ang  2-0 kalamangan.

Agad na sumagot si Thiem at umiskor ng break point para sa 2-2.