NAGPAMALAS ang Lyceum of the Philippines University ng matinding depensa nang ilampaso ang Emilio Aguinaldo College, 95-75, upang kunin ang ika-12 sunod na panalo sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Napuwersa ng Pirates ang Generals na makagawa ng season-worst 38 turnovers na nagresulta sa 38 points, kabilang ang 22 sa fast breaks upang mapanatiling malinis ang kanilang marka at angat ng isang laro sa San Beda Lions, na nasa ikalawang puwesto sa 11-1 kartada.
“We know that our strength is our defense and we just have to keep feeding on it,” wika ni LPU coach Topex Robinson.
Nanguna si CJ Perez para sa Pirates na may 19 points habang nagpasabog si Mike Nzeusseu ng 18.
Nalusutan ni Jaycee Marcelino ang hindi magandang pakiramdam upang magtapos na may 15 points, 7 assists at 4 steals.
Naging matatag ang EAC sa first half nang magpalitan sila ng kalamangan ng LPU ng 10 beses at magkaroon ng apat na deadlocks.
Isang buzzer-beating triple ni Ralph Tansingco ang nagbigay sa Pirates ng 41-40 bentahe papasok sa break.
Nagpasabog si Jerome Garcia ng season-best 30 points, kabilang ang anim na three-pointers, subalit hindi ito sapat upang tulungan ang EAC na nalasap ang ika-9 na kabiguan sa 11 laro.
Sa ikalawang laro ay nasingitan ng Mapua ang Jose Rizal, 81-79, upang makopo ang ikatlong panalo laban sa walong talo.
Bumagsak ang Bombers sa 2-10 kartada.
Samantala, kinansela ng NCAA ang basketball at badminton games nito ngayong araw makaraang suspendihin ng pamahalaan ang mga klase bilang preventive measure sa posibleng pananalasa ng bagyong Ompong.
Iskor:
Unang laro:
LPU (95) – Perez 19, Nzeusseu 18, Marcelino JC. 15, Tansingco 11, Marcelino JV. 10, Pretta 5, Ayaay 4, Valdez 4, Santos 4, Yong 3, Caduyac 2, Ibañez 0, Lumbao 0, Cinco 0, Serrano 0.
EAC (75) – Garcia 30, Bautista 19, Hamadou Laminou 10, Maguliano 8, Gonzales 4, Cruz 2, Neri 2, Diego 0, Corilla 0, Natividad 0, Mendoza 0, Cadua 0.
QS: 20-18; 41-40; 61-53; 95-75
Ikalawang laro:
MU (81) – Victoria 17, Bonifacio 13, Lugo 10, Pelayo 10, Aguirre 7, Gamboa 6, Serrano 6, Buñag 4, Biteng 4, Jabel 4, Nieles 0.
JRU (79) – Mendoza 22, Mallari 18, Silvarez 13, Estrella 9, Aguilar 5, Esguerra 4, Dela Virgen 3, Bordon 2, Miranda 2, Padua 1, Doromal 0, David 0.
QS: 15-17; 36-42; 60-55; 81-79
Comments are closed.