DUMAMI pa ang pamilyang Filipino na nagsasabing mahirap sila, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa September poll ng SWS sa may 1,500 respondents ay lumabas na nasa 52 porsiyento o 12.2 milyong pamilya ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.
Ang numero ay pinakamataas magmula nang maitala ang kaparehong 52 porsiyento noong Disyembre 2014.
Sa nasabing survey ay umakyat din sa 36 porsiyento o 8.5 milyong Filipino ang nagsabing sila ay ‘food-poor’ o salat sa pagkain.
Mas mataas ito ng dalawang porsiyento sa 34 porsiyento o 7.8 million noong Hunyo 2018, at pinakamataas magmula nang mai-poste ang 37 porsiyento noong Hunyo 2015.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magpapatupad ang pamahalaan ng mga hakbang upang mapagaan ang epekto ng inflation at makapagbigay ng pagkain sa hapag kainan ng mahihirap na pamilya.
“Walang pamilyang Filipino ang dapat magutom. Iyan ang atas at hangarin ng Pangulo,” wika ni Roque.
Ang consumer prices ay sumipa sa 6.7 percent noong Setyembre, bahagyang mas mababa sa fore-casts, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang inflation rate ay bumilis sa ika-9 na sunod na buwan, mula sa 6.4 percent noong Agosto. Sa 6.7 percent, ang September inflation ang pinakamabilis magmula noong Pebrero 2009.
Sinabi ni Roque na ang pinsala sa agrikultura at imprastrakrura ng bagyong Ompong sa Cordillera, Ilocos at Cagayan ang pinakamalaking contributor sa pagbilis ng inflation.
Ang September 15-23 survey ay may sampling error margins na ±3% para sa national percentages.
Samantala, halos isang milyong Filipino households ang nakaranas ng gutom noong 2017.
Ayon sa Annual Poverty Indicators Survey (APIS) ng PSA, nasa 824,000 pamilya o 3.4 percent ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan bago ang survey.
Mahigit sa kalahati ng nakaranas ng gutom ay nabibilang sa Bottom 30 percent ng populasyon.
May 486,000 pamilya mula sa Bottom 30 percent ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan bago ang survey habang nasa 338,000 pamilya ang nagmula sa Top 70 percent.
“Of the families who experienced hunger, 22 percent experienced it at least once in each week during the reference period, 40 percent experienced it at least once in each month, and 38 percent experienced it at least once in three months,” pahayag ng PSA.
Lumitaw rin sa datos ng APIS na ang income ng top 70 percent ng populasyon ay pitong beses ng income mh bottom 30 per-cent.
“The total income of the Top 70 percent reached P2.95 trillion while the Bottom 30 percent reached P437.98 billion in 2017. The total income of all families reached P3.39 trillion last year,” ayon pa sa datos ng APIS.
Nasa 49 percent ng total family income ay galing sa suweldo habang ang income mula sa entrepre-neurial activities ay bumubuo sa 19 percent ng total family income.
Sinabi pa ng PSA na may 30 percent ng total family income ang mula sa iba pang sources.
“Almost 87 percent of this income or P3 trillion was earned by the Top 70 percent families,” dagdag ng PSA.
Comments are closed.