INIULAT ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa mahigit 12.87 milyong Pinoy ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na siya ring hepe ng DOH-National Vaccination Operations Center (NVOC), hanggang alas-6:00 ng gabi nitong Agosto 18, 2021, ay kabuuang 29,127,240 na ang total doses ng bakuna na nai-administer nila.
Sa naturang bilang, 16,250,043 ang nabigyan na ng first dose ng bakuna habang 12,877,197 naman ang nakakumpleto na ng bakuna o fully-vaccinated na.
Aniya, kabilang sa fully-vaccinated individuals ang 1,553,208 ang kabilang sa A1 category (health workers) na 94.72% ng target na bakunahan; 328,440 ang sa EA1 category (outbound OFWs, kaanak ng health workers, at iba pang miyembro ng A1 priority sector); 3,777,446 sa A2 category (senior citizens) na 45.67% ng target bakunahan; 4,850,387 sa A3 category (persons with comorbidities) na 68.46% ng target bakunahan); 1,950,832 sa A4 category (essential workers) na 6.89% ng target bakunahan at 416,884 sa A5 category (indigents) na 3.23% ng target na bakunahan.
Nabatid na sa COVID-19 vaccine program, target ng Pilipinas na makapagbakuna ng 1.63 milyong health workers, 8.27 milyong senior citizens, 7.08 milyong persons with comorbidities, 28.29 milyong essential workers, at 12.91 milyong indigents.
Sa kabuuan, target naman ng pamahalaan na makapagbakuna ng may 77 milyong Pinoy upang makamit ang herd immunity laban sa COVID-19 sa katapusan ng taong ito.
Sinabi rin ni Cabotaje na ikinokonsidera ng DOH na isama na ang booster shots sa 2022 budget ngunit binigyang-diin na ang All Experts Group pa rin ang magdedesisyon dito.
Nauna rito, inianunsiyo na ng Estados Unidos na ang kanilang mga mamamayan ay kailangang magpa-booster shot, walong buwan matapos ang kanilang second dose.
Ayon naman sa World Health Organization (WHO), hindi suportado ng kasalukuyang datos ang pangangailangan para sa booster shots. Ana Rosario Hernandez
651514 682951Really good publish, thanks a great deal for sharing. Do you happen to have an RSS feed I can subscribe to? 345156
I am sure this article has touched all the internet people, its
really really good paragraph on building up new website.
355676 68122Gnarly write-up mate, keep the very good function, just shared this with ma friendz 351159
546375 654552I was suggested this web website by my cousin. Im not positive whether this post is written by him as nobody else know such detailed about my difficulty. You are incredible! Thanks! 615649
672670 148272This web site is often a walk-through like the info you wanted in regards to this and didnt know who to question. Glimpse here, and youll undoubtedly discover it. 679118
734956 867484Fantastic post, Im searching forward to hear more from you!! 89980
896442 190508Oh my goodness! a amazing post dude. Thank you Even so I will likely be experiencing issue with ur rss . Dont know why Can not subscribe to it. Will there be any person acquiring identical rss problem? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 23888