PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ang House Bill 8858 o pagbaba sa minimum age of criminal respon-sibility (MASR) sa 12-anyos.
Sa botong 146 na YES, 34 NO at zero ABSTENTION ay nakalusot na sa 3rd and final reading ang panukala.
Sa ilalim ng panukala, itatakda na sa 12 anyos mula sa 15-anyos ang edad ng mga batang sasailalim sa rehabilitation at reporma sa oras na lumabag ang mga ito sa batas.
Nakasaad sa panukala na hindi ikukulong at hindi ituturing na kriminal ang mga children in conflict with the law.
Ang mga batang nakagawa ng krimen tulad ng murder, parricide, infanticide, carnapping, kidnapping, rape with homicide at paglabag sa Dangerous Drugs Act ang tanging sasailalim sa rehabilitation at confinement sa Bahay Pagasa o sa Agricultural Camp at training center.
Ang mga tao o sindikatong gagamit sa mga kabataan sa paggawa ng krimen ay mahaharap sa kaukulang parusa.
Tiniyak din na magiging ‘confidential’ ang records ng mga batang lumabag sa batas. CONDE BATAC