PATAY ang 12-anyos na lalaki habang sugatan ang kasama niyang teenager sa isang pagsabog sa Barangay Rio Hondo, Zamboanga City.
Ayon kay Lieutenant Mary Agnes Miro, Zamboanga City Police Office (ZCPO) information officer, naganap ang pagsabog alas-2 ng hapon sa nasabing barangay.
Sinabi ni Miro na agad nasawi ang biktimang may alyas na Erickson habang ang kasambang si Jovan ay sugatan at agad isinugod sa ospital.
Isa pang paslit ang hindi naman nasugatahan sa nangyaro pagsabog.
Sinabi ni Nuraina Lawisan, barangay treasurer ng Rio Hondo, na agad nilang tiningyan kung saan galing ang malakas na pagasabog saka nakita ang duguang katawan ng lalaki.
“We were surprised to hear such a loud explosion,” ayon kay Lawisan.
Nabatid naman sa isa pang bata na nakaligtas as explosion ay nakapulot sila ng isang tubo malapit kung saan sila nag- swimming sa tabi ng Naval Station-Rio Hondo.
Sinabi naman ng ama ng binatilyo, nagtungo lamang sila sa nasabing barangay upang maag-swimming subalit trahedya ang nangyari.
Sinabi naman ni Miro na bine-verify pa ng mga miyembro ng explosive ordnance demolition (EOD) ang uri ng pampasabog na napulot ng tatlong kabataan.