12 BAYAN SA CAMSUR BINAHA SA WALANG TIGIL NA PAG-ULAN

CAMARINES SUR- LUMUBOG sa baha ang 12 munisipalidad sa lalawigang ito bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Dahil dito, sinuspinde kahapon ang klase sa lahat ng antas ni Camarines Sur Governor Vinzenso Renato Luigi R. Villafuerte.

Sinabi ni Villafuerte na 24 oras nang umuulan sa kanilamg lugar dahilan para lumawak ang pagbaha.

Unang inanunsyo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na umiiral ang Shearline at Amihan sa bansa kung saan kabilang sa puntirya ang Bicol region na nakakasakop sa Camarines Sur.

Ang pagdedeklara naman ng no classes sa buong lalawigan ay may koordinasyon sa Provincial Disaster Risk Reduction Managent Office.

Paglilinaw pa ng gobernador na sakop ng suspension ang pampubliko at pampribadong paaralan.
EUNICE CELARIO