LAGUNA- SINIMULAN ng balasahin ang pamunuan ng Calabarzon PNP kung saan 12 chiefs of police sa rehiyon ang ni-reshuffle.
Base sa ulat ng PNP Calabarzon public information office, pitong hepe ng pulisya mula sa Batangas ang pinalitan, tatlo naman mula sa Laguna at dalawa mula sa Quezon habang hindi naman napasama sa balasahan ang mga hepe ng puliya sa Cavite at Rizal.
Partikular na pinalitan sa puwesto si Lt. Col. Ariel Azurin, Lipa city police ni Lt. Col. Rex Villareal at inilipat sa 1st provincial mobile force company.
Samantala, napalitan din si Lt.Col. Dwight Fonte Jr, Batangas police chief ni Lt. Col. Diana Del Rosario.
Sa nasabing reshuffle, sina Major Janver Cabata ay inilagay bilang chief of police sa Ibaan; Major Ronnie Aurellano (Rosario); Major Danilo Manalo Jr. ( San luis); Major Fernando Fernando(Taal); Major Richard de Guzman(Tingloy).
Sa Laguna, si Major Ajalino Balaoro, (Liliw); Major Melencio Arcita Jr, (Magdalena) at Major Jordan Aguilar (Victoria) ay pinalitan nina Captain John Patrick Delos Santos, Captain Errol Frejas at Captain Myra Desiree Pasta.
Ayon kay Police BGen. Carlito Gaces, Calabarzon PNP Director, ang nangyaring balasahan sa mga nasabing opisyal ay dahilan sa overstaying, advance career enhancement at para mabigyan din ng pagkakataon ang iba pang police officers sa rehiyon na maipakita ang kanilang kakayahan.
ARMAN CAMBE