12 DRUG COURIER SAKOTE SA SHABU TRADE

SHABU-PUSHER

CAVITE – Umaabot sa 12-katao na sinasabing nasa drug watchlist bilang notorious shabu courier ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA 4A) sa isinagawang magkakasunod na anti-drug operation sa bahagi ng Ge­neral Trias City sa nasabing lalawigan kamakalawa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na sina Brian Doniry y Balane, 37, John Andrew Sarao y Sareal, 31, ng Brgy. Pasong Camachille 2; Marvin Dingal y Soriano, 30, ng Trece Martirez City; Grace Rodriguez y Gatdula, 29, ng In-dang, Cavite; Sonny Rojo y Dimenes, 34, ng Brgy. Malagasang 1-A, Imus City.

Base sa police report, ang mga suspek ay naaresto makaraang maaktuhang nagpapakalat ng droga sa bahagi sa Mary Cris Complex sa Brgy. Passons Camachille 2 kung saan nasamsam ang 9 plastic sachets na shabu P600 drug money at ang P200 marked money.

Samantala, naaresto rin sa anti-drug operation ang iba pang suspek na sina Santiago “Dokie” Saldo y Gonzales, 47; Wilfredo “Bayan” Tolentino y Oracion, 46; Edgardo Delos Santos y Sayson, 28; Renzo Martirez y Capelo, 20; Arzel Leano y Hilig, 26; Jul-ius Villaflor y Gutierrez, 35, ng Brgy. Salangan, bayan ng Rosario; at si Honey Olives y Dimaranan, 33, ng Purok 3, Brgy. Bacao 1.

Nakumpiska sa mga suspek ang 16 plastic sachets na shabu, P600 drug money at P 600 marked money na ginamit sa drug operation ng pulisya.

Isinailalim na sa physical at drug test ang mga suspek na nakakulong sa police detention center habang pina-chemical analysis naman ang 25 plastic sachets na shabu para sa karagdagang ebidensiya ng pag-sasampa ng kaukulang kaso.  MHAR BASCO

Comments are closed.