BULACAN – LABINDALAWANG drug pushers ang nadakip ng pulisya makaraang magsagawa ng serye ng anti-illegal drugs operation ang Bulacan Police Provincial Office (BPPO) sa anim na munisipalidad sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Sr. Supt. Chito G. Bersaluna, Bulacan Police Director, nakilala ang mga naarestong sina James Grande y Ande, Al-vin Escobar y Cunanan at Bernabe Colobong y Cuadra alyas Bernie, kabilang sa drug watchlist ng Balagtas Municipal PNP; Sonny Casio alias Liit; Bernard Ortega alias Bernie at Antonette Ysla y Francisco.
Kabilang pa rin sa nadakip sina Dennis Biason y Gustillo, Lorena Castillo, Jomar Bustamante y Mariquit; Richard Payumo y Ramos; Anastacio Valgomera y dela Cruz alias Dhagz at Chistopher Trota y Rebano alias Tupe na nakorner sa mga bayan ng Balagtas, Norzagaray, San Rafael, Baliwag at Bustos pawang sa Bulacan.
Pasado alas 7:00 ng gabi nang magkasa ng buy bust operation ang Drug Enforcement Unit (DEU) ng Balagtas PNP sa pangunguna ni P/Chief Inspector Restituto E. Granil, Balagtas police chief, at naaresto ang tatlong tulak na kinabibilangan ni Colobong na nasa drug watchlist ng nasabing munisipalidad.
Sunod-sunod ng nakorner ang siyam na iba pang tulak at nakumpiska sa kanila ang kabuuang 23 maliliit na pakete ng shabu at isang malaking selyadong plastic sachet ng nasabi ring droga bukod pa sa buy bust money at dinala ang mga nahuling suspek at ebidensya sa Bulacan Crime Laboratory Office-Malolos upang maeksamin. A. BORLONGAN
Comments are closed.