12 ECONOMIC MEASURES TARGET NG KAMARA NA AGAD NA MAIPASA

Rep-Martin-Romualdez

SA LAYUNING maipagpatuloy ang pagsusumikap ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maibsan ang mabigat na epekto ng Covid 19 pandemic at mapalakas pa ang ekonomiya ng bansa, target ng liderato ng Kamara na agarang maaprubahan ang 12 economic measures sa pagbabalik ng sesyon nito sa susunod na linggo.

Ito ang inihayag ni House Majority Leader at Leyte 1st Dist. Rep. Martin Romualdez kung saan sa nasabing bilang, lima ang nakasalang na  sa plenaryo habang ang iba ay patuloy pang dinidinig sa iba’t ibang komite.

“I have explicit instructions from Speaker Lord Allan Velasco. We have to prioritize these 12 bills that were endorsed by Secretary Sonny Dominguez as part of the legislative priorities of the Department of Finance,” sabi ng House Majority Leader.

“These legislative imperatives, according to Secretary Dominguez, are needed to help ensure that the economy recovers quickly from the corona-induced crisis in a strong, sustainable, and resilient manner,” aniya.

Tinukoy ni Romualdez ang lima sa 12 economic measures na nasa plenary deliberations na kinabibilangan ng House Bill (HB) No. 7749 o ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE); HB 7425 o ang Digital Transactions Value Added Tax na naglalayong patawan ng 12% VAT ang iba’t ibang Digital Transactions; HB 7406 o ang Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Program; HB 6135 o ang Fiscal Mining Regime; at HB 7805 o ang Internet Transactions Act/E-Commerce Law, na kinapapalooban ng pagpapataw ng mabigat na parusa sa mga manloloko sa online delivery.

Samantala, sinabi ng Leyte province lawmaker na ang naturang 12 economic measures ay kasama sa 22 panukalang batas na inendorso ng Malakanyang bilang priority measures kung saanzn  uang 10 ay nauna nang naaprubahan ng Kamara subalit nakabimbin pa rin sa Senado.

Tiwala si Romualdez na sa matatag na kooperasyon ng kanilang mga kasamahang kongresista at pagpupursige ng kasalukuyang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay ganap nilang maipapasa ang natitirang prioroty measures ng Duterte administrasyon.

“I have no doubt that the House of Representatives will be able to pass all these measures before the onset of the election fever next year. We are committed in helping our economic managers set in place the bold reforms that the Duterte administration has started to keep the economy strong and resilient,” pagbibigay-diin ng mambabatas. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.