DUMATING na at handa nang tumugon sa biglaang atensyong medikal ang labindalawang “high-end” ambulance na binili pa ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Estados Unidos.
Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa labin-dalawang ambulansiya kasabay ng pagbabasbas nito sa pamumuno ni Quiapo Church Monsignor Hernando Coronel.
Ayon kay Domagoso, dapat ay sa unang quarter pa umano ng taon 2020 dumating ang mga nasabing ambulansiya ngunit naantala ito dahil na rin sa kinakarap na pandemya kung saan apektado rin ang Amerika kung saan binili ang mga nasabing sasakyan.
Aniya, ang mga nasabing ambulansiya ay may mga high-tech equipment at machines na maaaring makatugon at ma-katulong sa mga pasy-ente sa oras ng “emergency” lalo na ang mga nag-aagaw buhay.
Dagdag pa ng Alkalde, naglaan ang lokal na pamahalaang lungsod ng halos P300 milyon sa mga nasabing ambulansiya na bahagi ng pagpapalakas sa atensyong medikal para sa mga Manilenyo.
Napag-alaman naman Alkalde na ang anim na ambulansiya ay dadalhin sa anim na pampublikong ospital ng Maynila ka-bilang na ang Ospi-tal ng Maynila, Ospital ng Tondo, Sta. Ana Hospital, Ospital ng Sampaloc, Gat Andres Bonifacio Memori-al Medical Center, at Justice Jose Abad Santos General Hospital. Habang ang natitirang anim na ambulansiya naman ay nasa Manila City Hall kung saan nasa pangangalaga ito ni Ma-nila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Director Arnel Angeles upang gamitin sa kanilang rescue and emergency operation sa oras na may naganap sa buong Maynila.
Iginiiit ni Domagoso na ang paggamit sa mga nasabing ambulansiya ay libre at walang bayad kung saan sa loob nito ay may kumpleto itong equipment at machine gayundin may medical professional na nakasakay dito. PAUL ROLDAN
Comments are closed.