SINISIYASAT na ng Department of Health (DOH) ang umano’y pagkalason ng 12 empleyado ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) regional office sa Cagayan.
Ayon kay Almira Patugalan, OWWA employee, nakaramdam siya at mga kasama ng pananakit ng tiyan na sinundan ng pagdudumi at pagsusuka matapos umanong kumain ng binagoonang baboy; ginataang sitaw, manok at kalabasa na kanilang inorder sa isang kainan.
Pag-amin pa ng mga biktima, nabiktima rin umano ang dalawang opisyal ng Traffic Management Group at pulis.
Agad namang nasugod sa pagamutan ang mga pinaniniwalaang na-food poison. MHILLA IGNACIO
Comments are closed.