NASA 12 lugar sa bansa ang positibo sa red tide, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa abiso ng BFAR, hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at acetes, o alamang, na nahango mula sa Honda at Puerto Princesa Bays sa Puerto Princesa City sa Palawan; coastal waters ng Milagros sa Masbate; Sorsogon Bay sa Sorsogon; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; coastal waters ng Zumarraga sa Western Samar; coastal waters ng Calubian, Leyte, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; coastal waters ng Biliran Islands; coastal waters of Guiuan in Eastern Samar; Balite Bay, Mati City in Davao Oriental; Lianga Bay at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.
“Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” ayon sa BFAR.
Ligtas namang kainin ang mga shellfish na nagmula sa coastal waters ng Bataan; coastal waters ng Daram Island; Cambatutay, Irong-irong, Maqueda at Villareal Bays sa Western Samar; at Cariga Bay sa Leyte.
Comments are closed.