NUEVA ECIJA-NASA 12 dating miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) na kasapi ng Alyansang Mangbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) sa ilalim ng Kilusan ng Magsasaka ng Pilipinas (KMP) ang tumalikod na sa CPP-NPA-NDF at nagbalik loob sa pamahalaan sa lalawigang ito.
Sinaksihan ni PRO3 Regional Director PBGen. Matthew P Baccay ang ginawang pagkalas ng mga magsasaka kung saan ay nagtulong-tulong ang 2nd Provincial Mobile Force Company at mga pulis at ibat-ibang sangay ng pamahalaan sa pag-assist sa mga ito.
Pinangunahan ni alyas Domeng ang paglagda, panunumpa at pakikipag-alyansa sa pamahalaan kasama sina Nante, Jun, Marites, Joyce at alyas Nelia at anim na iba pa.
Ani Baccay, resulta ito ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng PNP at Militar sa kanayunan upang ipaalam sa publiko ang kahalagahan ng mga programa sa ilalim ng NTF – ELCAC kung saan hinihimok ang mamamayan na taga suporta ng mga rebelde na magbalik-loob na sa pamahalaan.
At tanggapin ang mga programang pangkabuhayan para sa mas mapayapang pamumuhay sa komunidad. THONY ARCENAL