(12 na ang naitalang sugatan) BILANG NG BIKTIMA NG PAPUTOK DUMARAMI

MULING nadagdagan ang bilang ng mga naputukan o nasugatan dahil sa paggamit ng mga paputok, kasabay ng selebrasyon ng pasko.

Batay sa huling talaan ng DOH hanggang kahapon, umabot na sa 12 ang bilang ng mga biktima naputukan ng mga fire crackers.

Ayon dito ang apat na panibagong kaso ang naidagdag hanggang kahapon mula sa dating walong biktima na naitala noong Sabado.

Dalawa sa mga bagong kaso ay mga lalake na gumamit ng boga at piccolo. Ang mga ito ay may edad na 11 at 17.

Dalawa naman sa mga bagong biktima ay gumamit ng kwitis, isa dito ang lalaki at ang isa ay babae.

Magpapatuloy pa rin ang surveillance na gagawin ng DOH hanggang sa darating na pagdaraos ng Bagong Taon.

Kasabay nito ay nananawagan ang ahensiya na tigilan na ang paggamit ng mga paputok at sa halip ay gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay. EVELYN GARCIA