12 ORAS NA SUPERMARKET MALABO

SUPERMARKET-4

MALABONG matupad ang hiling na paabutin ng 12 oras ang operasyon ng groceries o supermarkets sa Metro Manila.

Ito ang pananaw ni Steven Cua, pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association kasunod ng kahilingan ni Trade and Industry Secre-tary Ramon Lopez na palawigin ang oras ng mga mamimili upang hindi magkaroon ng siksikan sa mga pamilihan.

Aniya, depende ito sa kakayahan ng mga tauhan ng mga grocery o supermarkerts kung kakayanin ang hiling na 12 oras ang operasyon dahilan sa karamihan din sa mga retail store ay hindi  nakakapasok ang kanilang mga tauhan dulot ng paghihigpit sa kanilang mga lugar.

Sa kabila nito, inanunsiyo ni Cua na mayroong sapat pa ring supply ng stocks ang mga groceries at supermarkets kung kayat walang dapat ipan-gamba ang publiko.

Kahapon lamang ng nanawagan din ang Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga may-ari ng supermarkets, public at private wet markets, grocery stores, agri-fishery supply stores, pharmacies, drug stores, at iba pang retail establishments na palawigin ng 12 oras ang operasyon habang umiiral ang ECQ.

Sinabi ni Cabinet Secretary Nograles na kinakailangan lamang mayroong espisipikong schedule ang pamimili sa bawat sektor, barangay, o purok at mahigpit na pagpapatupad ng social o physical distancing.

Patuloy na hinihikayat ni Nograles ang mga supermarket, palengke, grocery, botika at iba pa na i-extend ang kanilang operating hours hanggang 12 oras para ipatupad ang social distancing, tulad ng pagtatakda ng araw para sa bawat sektor, purok, o barangay sa pamimili.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.