12 PAMILYA BENEPISYARYO NG MAKINANG PANAHI, NEGO CART

BULACAN- NASA 12 mahihirap na pamilya na nasa laylayan ang benepisyaryo ng makinang panahi at Nego Cart sa siyudad ng Malolos.

Personal na ibinigay ni City Mayor Atty. Christian D. Natividad ang mga gamit pang hanapbuhay.

Nasa pitong pamilya mula sa mga barangay ng Look 1st, Tikay, Mabolo, Bangkal, Catmon at Brgy. San Agustin ang tumanggap ng Nego Cart.

Habang nakatanggap naman ng makinang panahi ang mga pamilyang mula sa Brgy. Bulihan, Panasahan at Bulanghan.

Layon nitong matugunan ang mga pangangailangan ng benepisyaryo ng programa.

Labis naman ang pasasalamat ng mga tumanggap ng mga gamit panghanap-buhay na malaking tulong para sa kanilang sa pang araw-araw na pangangailangan.
THONY ARCENAL