NEGROS OCCIDENTAL – KASABAY ng pagsirit ng kaso ng leptospirosis sa Bacolod City, labindalawa katao na ang nasasawi sa nasabing bacterial infection.
Batay sa talaan ng City Health Office ng nasabing lungsod, ang mga nasawi ay mula Enero 1 hanggang Setyembre 2 ngayong taon.
Sa panimula ng taon, mayroon 67 leptospirosis cases kasama ang 12 na nasawi.
Mas mataas ito ng 204.5 percent sa kaso noong isang taon na nasa 22 lamang at lima ang nasawi.
Pinag-iingat naman ni Dr. Grace Tan, pinuno ng City Health Office ang publiko laban sa bacterial infection.
Karaniwang nakukuha ang sakit mula sa baha na may ihi at dumi ng hayop at sa urine-populated areas.
EUNICE CELARIO